Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sofia walang kupas ang kaseksihan

0 67

NI: VINIA VIVAR
“Nanganak ka ba talaga?”,“nasaan ang hustisya?”, “gorgeous mom”, “hot momma.” Yan ang ilan lang sa mga positive comments ng netizens kay Sofia Andres sa tuwing magpo-post ang aktres ng kanyang mga sexy bikini photos.

Actually, ang dami ngang nagsasabi na mas gumanda at sumeksi pa si Sofia matapos makapanganak. Hiyang daw sa motherhood ang aktres dahil glowing and blooming siya talaga ngayon kaysa noong wala pa siyang anak.

Noon pa ay marami na rin ang nagtatanong kay Sofia kung willing ba siyang magpa-sexy o magpaka-daring sa isang proyekto.

Nabanggit naman niya sa isang panayam na open naman siya about it basta tamang materyal lang. Pero siyempre, hindi naman daw sobrang daring dahil talagang hindi raw siya sanay magpakita ng kanyang skin at hanggang sexy pictorial lang daw ang kaya niya.

Sa ngayon ay 22 years old na si Sofia and her baby, Zoey has just turned one last Nov. Noon pa ay nilinaw na niyang wala pa silang planong pakasal ng ama ng kanyang anak na si Daniel Miranda. Hindi naman daw sila nagmamadali pero going strong pa rin ang kanilang relasyon up to now . Makikita naman talaga sa aktres na happy siya ngayon sa kanyang buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.