Abante Tonite Interactive

SOGIE equality bill, suportado ni Sen. Bong Go

345

Suportado ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang isinusulong na batas na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill ni Sen. Risa Hontiveros.

Ayon kay Sen. Go, bago pa man umapela si Sen. Hontiveros sa kanyang mga kapwa senador na tulungan siyang maipasa ang SOGIE equality bill ay matagal na niyang suportado ang LGBT community.

Sinabi ni Sen. Go, lahat tayo ay pantay-pantay ano man ang kasarian, kaya hindi nito nagustuhan ang naging asal ng isang janitress ng isang mall sa Quezon City, kung saan ay hindi pinayagang gumamit ng pambabaeng comfort room ang transwo­man na si Gretchen Diez.

Sa ginawang manifestation of support ni Sen. Go, sinabi niya na nilapitan siya ng senadora at ni Representative Geraldine Roman at hiniling ang kanyang tulong para maipasa ang naturang panukala.

Tiniyak naman ni Go, na susuporta siya sa panukalang batas, at sinabing sa kanilang lugar sa Davao ay matagal nang umiiral ang ordinansang nagbibi­gay at nagbabantay ng pantay na karapatan sa LGBT community.

Nanawagan rin si Sen. Go sa publiko na tiyaking ang lahat ng mga mamamayan ay tatratuhin ng patas partikular na ang kabilang sa gender minorities, na malaki rin aniya ang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.