Abante Tonite Interactive

Sol sa Phoenix kapalit nina Guevarra, Revilla

379

Binitiwan ng NorthPort si Sol Mercado para makuha sa Phoenix sina veteran guard LA Revilla at Rey Guevarra bilang paghahanda ng magkabilang kampo para sa 45t Philippine Basketball Association (PBA) na bubukan Marso.

Nasa mesa na ni PBA Commissioner Willie Marcial ang dokomento para sa approval, na binago mula sa unang usapan na Mercado-Revilla lang.

Parte si Mercado kasama sina Kevin Ferrer at Jervy Cruz sa swap para kay Stanley Pringle sa Barangay Ginebra San Miguel-Batang Pier swap sa nakalipas na taon.

Sa pagsok niya sa NP, nakaabot sa semis ng katatapos na Governors’ Cup ang team kabilang ang pagsilat sa top seed sa NLEX sa quarterfinals.