Abante Tonite Interactive

Solenn ayaw mag-ninang sa baby ni Heart

By
6,873

In fairness ay handa na si Solenn Heussaff na bigyan ng anak ang mister niyang si Nico Bolzico, na nanghihingi na sa kanya ng baby. Pero ang sabi ni Solenn ay baka next year pa ‘yon dahil gusto niya pang mag-travel at mag-work pa more.

Depende kung mape-preggy siya agad-agad, pero feeling niya ay mga mid-next year pa ‘yon mangyayari. Dalawang anak lang ang gusto ni Sos, one boy and one girl. Si Nico ay lima ang gusto, kaya ang sabi niya rito, “Baliw ka ba? Ayoko ng lima, ‘no!”

May tatlo na raw silang ‘anak’ ngayon, sina Patato (na isang pagong), Negroni (pusa) at Pochola (aso). So, kung puwede ay gusto niyang kambal agad para isang labasan lang.

Masaya si Solenn na buntis na finally ang friend niyang si Heart Evangelista. Feeling niya ay magi­ging stylish na mom si Heart.

Sabi namin kay Sos ay malamang kunin siyang ninang ng baby ni Heart, pero ayaw niya raw. Sa Europe kasi ay isa lang daw ang ninong at ninang.

Eh may limang inaanak na siya, so ayaw na niyang dagdagan pa. Pati sa magiging anak niya ay isang ninong at isang ninang lang ang kukunin niya.

Ang happy ni Sos na nag-hit ang My 2 Mommies dahil 2 years ago pa ang last movie niya na Love is Blind with Derek Ramsay.

At natuwa siya na hindi siya pa-sexy rito at never siyang naghubad o nag-bikini.

Na-feel niya ‘yung mommy role niya at nainlab siya sa gumanap na anak niyang si Marcus Cabais, na siya pala mismo ang nagturong magsalita ng French sa pelikula.