Abante Tonite Interactive

Solenn ayaw magparetoke ng puwet

By
0 152

Dedma si Solenn Heusaff kaugnay ng mga body shaming comment sa kanya ng mga basher na walang ‘butt’ ang TV host-actress.
“Wala akong magagawa, lumabas akong ganito sa katawan ng mommy ko,” sey niya.
Dagdag pa niya, kuntento naman daw siya sa hitsura niya at wala siyang balak na magpa-enhance ng kanyang butt para lamang mapagbigyan ang kapritso ng kanyang mga detractor.
“Kumportable naman ako sa sarili ko. Tapos, lalaki pa iyan ‘pag naging mas matanda na ako o may baby na,” aniya.
Dinadaan na lang daw niya sa mga positibong bagay ang mga namba-bash sa kanya sa social media.
“Alam naman ng mga tao na nagdyi-gym ako everyday. Hindi naman goal ko na malaki ang puwet. Mas gusto ko maging healthy and to have a healthy lifestyle,” hirit niya.
Si Solenn ay kasama sa cast ng Kapuso teleseryeng “Cain at Abel” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Abigail Marcial-Larrazabal. ­