Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solenn chinarot si Ellen

0 135

NI:ARCHIE LIAO

Viral ang photo ng magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna na magkayakap sa kanilang public display of affection.

Marami ang kinilig sa kanilang ka-sweetan sa isa’t-isa.

Wish ng kanilang mga follower, sana nga raw ay magkatuluyan na ang dalawa.

Pero, kung maraming naiinggit sa kanilang PDA, meron din namang naaalibadbaran dahil pakiramdam nila ini-enjoy umano ng dalawa na pag-usapan sila ng mga netizen.

Sa nasabing photo, nag-comment ang ex ni Derek na si Solenn Heussaff.

Sey niya: “Ang cute naman.”

Agad namang nag-react si Ellen sa naging komento ni Solenn.

Aniya: “Charaught, hahaha!”

Matatandaang unang nakarelasyon ni Derek si Solenn kung saan tumagal ang kanilang romansa ng apat na taon.

Sa panayam kay Derek ng Mega Magazine, inamin niyang minahal niya si Solenn noon subalit nagkahiwalay sila dahil na-realize niya na hindi pa siya handa sa responsibilidad kung sakaling sila ay magkakatuluyan.

Ito raw iyong panahong gumagawa pa lang siya ng pangalan sa showbiz at nagsisikap na maging stable ang kanyang karera sa showbiz.

Leave A Reply

Your email address will not be published.