Abante Tonite Interactive

Solenn gustong hiwalayan ang asawa

By
4,488

Nakakatuwa ‘yung asaran ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil sa Thor at Avengers­ superstar na si Chris Hemsworth.

Naimbitahan kasi ang mag-asawa sa Singapore for a Hugo Boss event na dinaluhan ng Hollywood actor.

The morning of the event ay nag-gym ang magdyowa at nakasabay ni Solenn mag-treadmill si Hemsworth at si Sebastian Stan (Winter Soldier/White Wolf ng Captain America at Avengers movies), pero inis na inis si Sos kay Nico dahil hindi man lang siya nito panakaw na kinu­nan ng picture with Chris.

Abante Hiring – IT dep

The whole day ay ‘yun ang pang-asar ni Solenn sa asawa niya. May ki­yeme pa si Sos na sinosoli na niya sa mister ang wedding ring niya.

Sabi ni Nico sa Instagram Story nito, his wife wants a divorce dahil sa nangyari.

Kaya nu’ng mag-photo op na silang dalawa with Chris nu’ng gabi ng event, ang sey ni Nico sa IGS niya ay ino-offer niya ang asawa kay Hemsworth para makabawi siya.

Aliw ‘yung pic nilang tatlo na pinost ni Solenn na naka-make face siya dahil gusto niya raw palayasin ang asawa niya sa pic nila ni Chris!

Sa post naman ni Nico ay nabanggit nitong noon lang niya nakita si Solenn na ganu’n ka-starstruck. At maging siya raw ay na-starstruck din kay Thor.

“I think I found my first man crush! He is manly, muscular, funny and charming! All I want in a man! I really think we had a moment that was automatically ruined by my wife being there also!” ang kuwelang caption ng malokong mister ni Sos.

Sinubukang bumawi at humingi ng tawad ni Nico sa pamamagitan ng pag-lip sync ng Too Much Love Will Kill You, pero muntik pa nitong mabali ang leeg ni Sos nang bigla nitong hatakin paharap sa mukha niya.

Kaya ang hirit ni Solenn, “He should wake up in the morning everyday regretting the fact that he didn’t take the effing video of his wife running next to Thor AS LONG AS WE BOTH SHALL LIVE!!”

But at the end of the night ay pinatawad din ni Sos ang mister niya dahil nag-Australian accent pa raw ito para sa kanya (Aussie kasi si Hemsworth), tapos ay pilyong nagdayalog si Nico ng, “So, you want some sexy time now?! Sexy time!” na ang ibig sabihin ay sex.

“No!” natatawang sagot ni Solenn, tapos ay may IG Story siya na shirtless si Nico sa may gilid ng kama habang siya ay full clothed pa at parang nagpapakipot sa kanyang mister.

Lakas talaga maka-good vibes ng mag-asawang Sos at Nico, na isa sa funniest showbiz couples sa social media.
#JowaGoals! Ha! Ha! Ha!

Kylie balik-telebisyon

Nagbabalik si Kylie Padilla matapos ang kanyang mahaba-habang bakasyon after niyang manga­nak sa baby nila ni Aljur Abrenica na si Alas.

Seksi-seksihan na ulit si Kylie at sasabak siya sa Lip Sync Battle Philippines mamayang gabi kalaban si Gabbi Garcia.

May mala-Encantadia na plug ang LSBP dahil magtatapat ang gumanap na magkapatid na Sang’gre na sina Amihan (Kylie) at Gabbi (Alena).

Sa pinost na silhouette pic ni Kylie sa Instagram na ang caption niya ay, “Guess who?” ay nag-comment si Mariel Padilla ng, “When is this?!?!?!?! I wanna watch!!!!!!!”
Sagot ni Kylie, “Sunday, tita!”

May pinost din siyang video na shadow ng girl na nagse-sexy dance.

Sobrang na-excite ang fans sa comeback ni Kylie, na kinailangang tsugihin sa Enca last year dahil na-preggers siya ni Aljur.

Si Gabbi ay may post sa kanyang IG Story na, “So happy to share the stage with you, Kylie! We missed you!”
Nanalo si Gabbi last season kapareha ang dati niyang ka-loveteam na si Ruru Madrid, kaya kailangan daw mag-step up ng dalaga ngayong solo na lang siya.

Abangan ngayong gabi ang kapana-panabik na salpukan nina Kylie at Gabbi sa Lip Sync Battle Philippines sa GMA pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko!

China naiyak sa Marawi

Hayop ang alindog ni China Roces. Biro nga nga kalalakihan kahit putukan sa Marawi ay matitigil kapag siya ang rumampa.

Kasama si China sa pelikulang ‘ng Misyon (Marawi Siege)’, na pinagbibidahan ni Martin Escudero. Tampok din sina Rez Cortez, Lou Veloso, Tanya Gomez, Tanya Gomez, Jordan Castillo at introducing si Juan Miguel Soriano.

Ano ang pakiramdam niya pagkatapos mapanood ‘Ang Misyon’ sa premiere night?
Kumusta katrabaho si Mart at si Direk Ceasar?

“Ang babait nila sobra. Si Martin napakagaling na actor.

“‘Yung movie nakakaiyak talaga. Tumataas ang balahibo sa nangyari sa Marawi,” bulalas ni China.

Showing na sa May 30 ang ‘Ang Misyon’. Ito ay sa direksyon ni Ceasar Soriano na dating­ ABS-CBN’s Min­danao News Bureau Chief at ngayon ay INQUIRER RADIO AND TELEVISION’s prime time news anchor.
Distributed by ABS-CBN FILM PRODUCTIONS. Prodyus ng Great Czar Productions.