Abante Tonite Interactive

Solenn hinihingan ng anak ni Nico 

3,368

Nanghihingi na ng anak ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzisco.

Sa isang Instagram story ni Nico na may karga siyang maliit na bata ay may caption siya na, “I want one, Solenn!”
Mukhang aliw na aliw ang hunky hubby ni Solenn sa mga baby ng mga kaibigan nila. Isa sa mga paborito niya ay ang cute son ni Georgina Wilson na si Archie.

Mukhang sawa na si Nico sa ‘anak’ nila ni Sos na si Patato, ang pagong na laging ka-bonding ni Nico sa bahay ‘pag wala ang kanyang misis.

Natural na nakakatuwa si Nico, so siguradong magiging kuwela rin siya ‘pag naging tatay na siya.

In fairness ay ready na raw maging mommy si Solenn, pero tatanungin pa rin namin siya tungkol dito sa thanksgiving party ng My 2 Mommies.

Certified hit ang Mother’s Day movie ng Regal Films kaya may pa-thanksgiving si Mother Lily Monteverde para sa mga bida niyang sina Solenn at Paolo Ballesteros.

Masaya rin kami for Direk Eric Quizon, na sana ay marami pang maidirek na movies for Regal.