Abante Tonite Interactive

Solenn, labis-labis ang pagpapaligaya kay Nico

By
17

‘YUNG sinasabi ni Solenn Heussaff na ce­lebration ng relasyon nila ni Nico Bolzico sa Argentina nu’ng December 29, 2015 ay maaring iyun ang unang kasal nila.

Napabalita na ‘yan noon nang maglabasan sa Instagram account nila pati sa close friends niya.

Itinanggi ni Solenn na kasal iyun, kundi celebration ng kanilang engagement. Matagal na raw kasing hindi nakita ni Solenn ang mga magulang ni Nico.

Nakalimutan na iyun nang lumabas na ang wedding nila sa France noong May 2016.

Pero bago mag-New Year, nag-post ng mensahe si Nico para sa asawa, “Exactly one year ago we decide to sign the most important contract of our lives!

“Feels unreal to have the privilege to spent the rest of my life next to someone as special and unique as you!

“It is clear that I got the best out of this deal; however I will work the rest of my life to make you feel the opposite!

“Love you so much and can’t wait to keep discovering the different #wifezilla’s levels!

“PS: I know you forgot about this anniversary, but don’t worry, not a big deal.”

Kung wedding cere­mony iyung ginanap sa Argentina, bale isang taon na silang kasal at malamang na i-celebrate rin nila ang isa pang wedding nila sa France sa Mayo.

Ang hinihintay ay kung kelan naman ang bunga ng pagmamahalan ng dalawa.

Okay kaya kay Solenn na mabuntis sa gitna ng gumaganda niyang career?

Sabi ng Kapuso actress, enjoy pa sila ni Nico sa buhay mag-asawa nila na silang dalawa muna.

Sa gitna ng pagi­ging abala ni Solenn sa ta­ping ng Encantadia at Taste Buddies, nagagampanan pa rin niya ang responsibilidad niya bilang Mrs. Bolzico.

Personal na ginagawa ni Solenn ang pagu-grocery dahil gusto niyang siya mismo ang namimili ng mga bagay at mga tamang pagkain nila ni Nico.

Kaya siya ang kinuhang endorser ng Holiday Ham ng CDO Premium dahil sa personal niyang pag-aasikaso sa mga kinakain nilang mag-asawa.