Abante Tonite Interactive

Solenn nagdusa kay Paolo

By
5,101

Hindi nakayanan ni Solenn Heussaff ang challenge sa makeup transformation. Ito ‘yung panggagaya niya sa ka-partner sa “My 2 Mommies” na si Paolo Ballesteros.

Bagama’t talent painter ang 33-year-old French-Filipina actress aminado siyang pinakamahirap ang makeup transformation. Nagdusa siya kay Paolo. Hindi na­ging maganda ang feedback sa gawa niya.

Mababasang caption sa Instagram account niya, “So i tried to be @pochoy_29. I paint and i do make up, but transforming a face into another is probably the most difficult art haha.”

“I appreciate Paolo’s work even more now. Respect!!!! I can’t wait to see my face on him!!!!!”
Flawless naman ang make-up transformation ni Paolo kay Solenn.

“The best!!!” reaksyon ng aktres.

Anyway, showing na sa May 9 ang pelikula nilang ‘My 2 Mommies’.

Paano niya aaminin sa anak niya na ang tunay niyang kasarian bilang daddy na isa rin siyang ‘mommy’? Handa ba siya sa responsibilidad niya bilang magulang? Ready na ba siya sa pagpapalaki sa anak sa hindi normal na situwasyon?

Makakasama nina Paolo at Solenn sa “My 2 Mommies’ sina Maricel Soriano, Joem Bascon, Dian­e Medina, Marcus Cabais, Mich Ligayu. Ito ay handog ng Regal Entertainment Inc. para sa Mother’s Day presentation. Ito ay sa Eric Quizon.

Katrina ‘di bitter kay Kris

AYAW mag-ampalaya ni Katrina Halili pagdating sa kanyang ex na si Kris Lawrence. Siya ang ama ng kanyang anak na si Katie, 5 years old.

Hindi mo siya mapapagaya kay Kris Aquino na mara­ming hanash sa kanyang ex na si James Yap.

2014 pa naghiwalay sina Katrina at Kris pero wala kang litanya na maririnig.

Sey ng aktres ng The Stepdaughters never naman daw niyang ipinahiya ang ang ama ng baby niya sa publiko.

“Kasi, di ba, nasa Bible ‘yan – hono­r your father and mother. Paano niya io-hono­r kung sisiraan ko ang tatay niya? Kailangan, ano lang, maganda lang,” pakli ni Katrina.

Hindi rin daw isyu ang pagsustento ni Kris kay Katie dahil nagsi-share naman ito. Okey rin daw ang relasyon nilang mag-ina sa pamilya ni Kris na nasa ibang bansa nagpapadala nga raw ng damit ang mga ito para sa kanilang apo.

Tungkol naman sa serye nila ni Megan Young na The Stepdaughters lumala na ang pagiging demonyita niya.

“Mas masama pa. Kung dati kasi petty lang, may mga inggit-inggit lang, ganyan, ngayon parang may mga buhay na tayong tinatamaan dito,” kuwent­o ni Katrina.

Tutukan ang The Stepdaughters sa Afternoon Prime ng GMA 7 kasama sina Mikael Daez,Glydel Mercado at Gary Estrada.

Chelsea, Reyna ng Aliwan 2018

NASUNGKIT ng Tacloban City ang nanalong Reyna ng Aliwan 2018. Siya ay si Chelsea Fernandez, 19 years old, may taas na 5’7” at may timbang na 121 pounds. Kumukuha siya ng Broadcasting major sa Asia Development Foundation College. Mahilig din siyang mag­luto, kumanta at sumayaw.

May hawig si Chelsea sa Binibining Pilipinas 1st Runner-Up na si Vickie Marie Rushton. Potensyal din na magkapangalan si Chelsea sa pageant world.

Ang Reyna ng Aliwan 2018 ay isa sa paandar ng Aliwan Fiesta 2018 na handog ng Manila Broadcasting Company at Star City, sa pakikipagtulungan ng Cultura­l Center of the Philippines, Lungsod ng Manila at Pasay.