Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solenn nagpainit

0 103

NI:ALWIN IGNACIO

Art is personal and talagang subjective. At walang masama kung ang isang likhang sining biswal ni Solenn Heussaff ay ipwinesto sa isang urban community na hindi pwedeng ikaila ang kanilang deplorable conditions.

Sana rin, bago kumuda, panoorin muna ang buong exhibit ni Solenn para maunawaan ang punto de vista ni zya. Uminit ang ulo niyo kunyari sa “poverty porn” ni Ginang Bolzico pero sa mga pangyayari tungkol sa interest natin bilang bansa, asan ang angal, kuda, hanash, ingay at mga pangil niyo?

Dahil ginawa niyong pangmalakasang trending topic ang mga likhang sining biswal ni Solenn for sure mabebenta lahat ng kanyang collection. Sigurado rin akong pag ang mga kinita nito ay binahagi ni Heussaff sa descamisado community na ginamit niyang backdrop, may kuda na naman kayong hindi nakakatuwa at wala sa hulog.

Sa true lang, if you are so concerned with the plight and welfare of the economically disadvantaged and marginalized, ano na ba talaga ang ginawa niyong konkreto sa para sa kanila?

Mabuti pa si Solenn Heussaff, ginawang instrumeno ang kanyang sining para mas mabigyang pansin ang katotohanang ito at tiyak, may ginagawa na ang Kapuso star na nakakatulong sa mga hirap sa kanilang mga buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.