Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solenn nalukring

0 827

Malaking hamon para kay Solenn Heusaff ang paggawa ng short film na “Solitaire” na isa sa mga tampok na kuwento sa thriller-trilogy na “Quarantina Gothika.”

Ang nasabing trilogy ay isang tribute para sa namayapang director na si Peque Gallaga na ipinalabas sa isang streaming event sa Facebook.

Kuwento ni Solenn, nalukring daw siya sa paggawa ng nasabing short film tungkol sa depresyon at paranoia na nararamdaman ng isang tao habang nag-iisa.

Tamang-tama raw ang tema nito sa isolation na nararanasan ng ating mga kababayan dahil sa lockdown o community quarantine.

Nawerduhan din daw siya sa kanyang role dahil kinakausap niya ang kanyang sarili.

First time rin niya makaranas na bukod sa pagiging artista ay siya rin ang tumayong cameraman at art director.

Labor of love rin daw sa namayapang director ang kanyang short film na kinunan niya sa gitna ng pag-aalaga kay Baby Thylane.

Si Solenn ay naidirehe ni Direk Peque sa mga pelikulang “T’yanak” at “Seduction.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.