Abante Tonite Interactive

Solenn sumasabog ang alindog

0 450

Rey Pumaloy

Ang hot naman talaga ni Solenn Heussaff! Sumasabog ang kanyang alindog. Para siyang klima ngayong tag-init sa ‘Pinas.

Nagliliyab ang kaseksihan niya. Tila hindi kayang hawakan ng sinumang lalaki dahil nakakapaso.

Wala na yatang papantay sa kalandian ng French-Pinay actress na ito kung makapag-emote sa kanyang mga bikini photo.

Malinaw naman ang intensyon ni Solenn sa kanyang mga bikini shot. Ito ay ang mapalabas ang kanyang alindog at maramdaman ng lahat kung gaano siya kaganda at kaseksi.

Parang natural na lang sa painter ang kaelyahan niya sa katawan. Pati na rin kung paano ipipihit ang sarili para mas maging kaakit-akit.
Sa totoo lang, nagbabaga talaga ang kaseksihan ni Solenn.