Abante Tonite Interactive

Solenn willing maging alalay ni Cole Sprouse

2,591

SOBRANG na-excite ang millennial sa ba­litang dadalhin ng Bench dito sa bansa ang American heartthrob na si Cole Sprouse.

Nang pumunta rito ang global Benchsetter na si Brooklyn Beckham nu’ng January ay kagulo ang mga bagets. Eh ‘di mas lalo na kay Cole na bida sa isang sikat na TV show sa Amerika.

Ang 25-anyos na aktor ay gumaganap bilang si Jughead Jones sa hit teen drama series ng The CW na Riverdale.

Nang una naming mapanood ang Riverdale ay si Cole agad ang na-bet-an namin, pero yummy rin ang Kiwi hunk na si KJ Apa na gumaganap bilang Archie Andrews.

Sa mga eksenang shirtless si Cole ay talap-talap ang hunky body niya.

Ang daming female local celebs na kinilig nang i-announce ng Bench na darating si Cole for a meet & greet with the fans.

Tawang-tawa kami kay Solenn Heussaff dahil hindi namin in-expect na isa siya sa matataranta sa papara­ting na Hollywood actor bilang hindi na siya teenager at misis na siya.

Nakakaaliw ‘yung Instagram story ni Solenn na kinunan niya ng pic ‘yung Bench billboard ni Cole sa may Guadalupe bridge at ang message niya kay Cole ay, “Hi, babe. I’ll be your assistant here,” tapos ay naka-tag ang Bench at si Sir Ben Chan.

Kalerky! Willing mag-PA ang pantasya ng kalalakihan na si Solenn kay Cole Sprouse! Ha! Ha! Ha!

In fairness ay ang da­ming bagets girls na naka-relate sa wifey ni Nico Bolzico dahil kainlab-inlab naman talaga ang Riverdale star.

Lalo na ‘pag narinig nila ‘yung kuwento sa amin ni Sir Ben na very nice at walang kaere-ere sa katawan si Cole nang ma-meet niya ito nang perso­nal. As in ito pa raw mismo ang nagpaplantsa ng damit nito.

Actually, ang ganda rin ng experience ni Sir Ben nang i-shoot nila ang British­ hottie na si Brooklyn, na akala niya ay spoiled brat in person bilang anak ito nina Victoria at David Beckham, pero napakabait pala nito.

Ang cute siguro ‘pag nagkita na sina Cole at Solenn. Ano kayang gagawin sa binata ng Kapuso actress-model?

Kung may Nico si Solenn, si Cole ay taken na rin in real life dahil nobya nito ang kapareha nito sa Riverdale na si Lili Reinhart who plays Betty Cooper. Recently lang ay spotted ang dalawa na nagki-kiss in public sa Paris.

Last year ay may ku­malat na fake news online na kasama raw si Solenn sa movie ni Dylan Sprouse na older twin brother ni Cole.

Artista rin sa Hollywood si Dylan at nu’ng paslit pa ang kambal ay meron silang sariling show sa Disney Channel.

Boxing gloves ni Pacman, iniregalo ni Jinkee kay Ed Sheeran

MAGKASAMA ang mag-sweetheart na Sarah Gero­nimo at Matteo Guidicelli sa concert ni Ed Sheeran nu’ng Linggo sa SM MOA Concert Grounds.

Swit-switan ang AshMatt, na obviously ay parehong fan ng 27-anyos na British singer-songwriter.

Magka-date din nu’ng gabing ‘yon ang mag-asa­wang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Kasama nila ang panganay nilang si Yohan na superfan pala ni Ed.

Feel na feel ni Yohan ang pag-sing along sa Grammy-winning singer, habang aligaga sina Juday-Ryan sa pag-video at pagpikyur kay bagets.

“Ang sarap mo iuwi, Ed!” ang sabi ni Juday sa isa niyang IG story.

Si Jinkee Pac­quiao ay may picture with Ed sa backstage at binigyan pa ito ni Jinkee ng boxing gloves ng mister niyang si Manny Pacquiao.

Millennial na millennial ang peg ni Jinkee, na pati outfit ay nakakaba­gets. Ang pamilya ni Chesca Kramer ay may pic din with Sheeran backstage. May video pa ang anak nilang si Kendra na pinagta-Tagalog ng bagets ang sikat na singer.

Magka-date din sa Divide Tour ang Kapuso sweethearts na sina Jake Vargas at Inah de Belen.

Nanood din si Julia Barretto, pero hindi ang boyfriend na si Joshua Garcia ang kasama nito kundi ang sister na si Dani Barretto.