Abante Tonite Interactive

Soli-bayad sa kostumer inapela sa ERC

177

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang 12 private distribution utilities na i-refund sa kanilang mga customer ang tinatawag na regulatory reset cost na hindi nagamit na aabot sa mahi­git P20 milyon.

Ang halaga ng refund na halos ng P0.0013 per kilowatt hour at maaring umabot sa 6.94 sentimos per kWh, depende sa distribution utility.

Pinare-refund ng ERC ang Cabanatuan Electric Corp. ng 3.09 sentimos per kWh at aabot sa P602,070 ang isasauli nito; 1.33 sentimo per kWh sa Clark Electric Distribution Corp. na aabot sa P583,434; 4.22 sentimo per kWh sa Dagupan Electric Corp na aabot sa P1.28 milyon; 5.8 sentimo per kWh naman sa La Union Electric Company para sa kabuuang P85,038; 2.52 sentimo per kWh sa San Fernando Electric Light and Power Co. na aabot sa P1.4 milyon; 2.58 sentimo per kWh ang sa Tarlac Electric, Inc. na aabot ng P897,685; 2.64 sentimo per kWh sa Bohol Light Company, Inc. na aabot ng P277,684; 5.56 sentimo per kWh ang sa Cagayan Electric Power and Light Co. na aabot ng P5.1 mil­yon; 6.94 sentimo per kWh sa Cotabato Light and Power Co. na aabot ng P949,743; P0.0013 per kWh lamang ang sa Davao Light and Power Co. na aabot ng P262,640; 2.74 sentimo per kWh sa Iligan Light and Power Co. na aabot ng P558,830; at 4.47 sentimo per kWh ang sa Visayan Electric Company na aabot ng P8.89 milyon.

Nauna nang inanunsiyo ng ERC na inutusan na nito ang Meralco na mag-refund ng P7.31 sentimo sa mga customer nito para sa regulatory reset cost na dapat makita na sa July 2019 billing.

Naniniwala ang ERC na ang gastos sa pagbabantay sa mga energy companies tulad ng generation companies, distribution utilities ay para matiyak na hindi nila inaagrabyado ang kanilang mga customer. (Eileen Mencias)