Abante Tonite Interactive

Solid Paulino ang Olongapo

323

“Kahit anong paninira pa ang gawin ng mahigpit na kalaban sa politika ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino para maagaw lamang ang kanyang puwesto bilang ama ng lungsod ay solid Paulino pa rin kami.”

Ito ang tahasang pahayag ng multi-sectoral group na kinabibilangan ng market vendor, transport groups, senior citizen, youth oriented group, religous group at women’s group na nagpakita ng buong suporta sa pamilya Paulino.

Sa kabila umano ng ginagawang pambabatikos ng numero unong kritiko ni Paulino ay hindi nagbabago ang kanilang magandang pagtingin sa alkalde.
Patunay umano ang maraming natapos na proyekto ang alkalde kabilang na ang pagpapagawa ng may 25 kilometrong mga kalsada sa siyudad, 6-palapag na city college, oval track, volunteers park, tulay at iba pa.

Palagi ring bukas umano ang tanggapan ng alkalde sa mga taong nangangailangan kaya naman naniniwala sila na itutuloy ni Atty. Lenj Paulino na tumatakbo sa pagka-alkalde ang nasimulan ng kanyang ama.