Abante Tonite Interactive

Solon 1 taon ‘di nagpasuweldo ng mga empleyado

225

Kung nakakamatay lang ang sumpa ay matagal na sigurong nailibing ang isang mambabatas dahil sa galit at ngitngit ng kanyang mga emple­yado bunsod ng pagiging magulang nito.

Paaano ba naman kasi mga utaw, hindi ­sinusunod nitong mam­babatas ang mga pa­nuntunan sa batas sa paggawa sa kanyang mga kompanya.

Kung gaano kayaman itong mambabatas ay siya namang paghihirap ng kanyang mga empleyado dahil naka­yanan ng sikmura nito na hindi magpasuweldo ng halos isang taon sa kanyang mga tao! Yes, as in isang taon.

Ang ibang hindi nakatiis ay umalis na ­lamang at “thank you” na lamang ang ilang ­taong ipinagtrabaho sa kompanya ni Cong, pero ang iba ay nanatili sa pag-asang mababayaran sila.

Ang iba namang humirit ng separation pay ay walang napala dahil wala talagang balak ang matigas na mambabatas na bayaran sila.

Isisiwalat natin sa susunod na isyu ang iba pang ­pasakit ni congressman sa kanyang mga emple­yado.

Clue: Katunog ng ­halaman ang pangalan nito na puwedeng itanim at ibaon sa lupa.