Abante Tonite Interactive

Solon allergic sa kontribusyon

332

Alam niyo bang laging naghihimutok ang isang mambabatas kapag may fund raising campaign ang kanilang lider?

Sa tuwing may kalamidad at iba pang pangyayari na nangangailangan ng pondo, laging to the rescue ang kanilang mga lider.

Mabuti sana kung sa pondo ng kapulungan binubunot ang pondo pero kaya pala nabubuwisit ang mambabatas ay dahil sa patak-patak ito kukunin.

Ang buwanang suweldo ng mambabatas, kakaltasan para sa kontribusyon sa fund raising.

Gusto sanang magsalita ng mambabatas sa ganitong kalakaran pero baka akusahan naman siya ng mga kasamahan na walang puso sa mga nanga­ngailangan.

Clue: Ang mambabatas na allergic sa kontribusyon ay yumaman sa dating puwesto sa gobyerno. May letrang B sa kanyang pangalan.