Abante Tonite Interactive

Solon binaterya sa pagsipsip

248

Todo papuri ang ginawa ng isang mambabatas sa opisyal ng prominenteng pamantasan sa bansa.

Ito’y sa kabila ng kinaharap na kontro­bersiya ng school official matapos nitong pahintulutan ang aktibidad sa eskuwelahan ng isang isinusumpang lokal na opis­yal.

Binaterya tuloy ng kanyang mga kasamahan ang sipsip na mambabatas.
Kilalang pikon pa man din ang mambabatas pero nagawa nitong makapagtimpi sa ginawang pangungut­ya sa kanya.

Mga bigatin kasi ang pumuna sa kanya kaya hindi na ito pu­malag dahil alam niyang hindi naman siya aat­rasan ng mga ito kapag niresbakan niya ito.

Kung nagkataon na walang alam sa abugasya ang nakaharap ng mambabatas, malamang na dinikdik na niya ito dahil sa pagbasag ng kanyang trip.

Clue: Ang mambabatas na binaterya sa pagsipsip sa school official ay dating nagtrabaho sa gabinete. Kung siya ay senador o congressman, hulaan niyo sa letrang D as in Dikya.