Abante Tonite Interactive

Solon bosero ng ID

251

Sino daw itong mambabatas ang hilig manilip ng press ID kapag negatibo ang tinatanong sa kanya?

Ginagawa daw ito ng mambabatas sa mga mamamahayag na hindi niya kilala subalit kung magtanong ay tagos sa kanyang kaluluwa.

Minsan daw kasi, natanong ang mambabatas tungkol sa kinasangkutan nitong lumang kaso, aba’y biglang nagbago ang timpla ng mukha pati na ang tono ng pananalita.

Sisilip daw ito sa press ID at magbabanta na tatawagan niya ang may-ari ng pahayagan para magreklamo.
Balat-sibuyas nga daw ang mambabatas dahil madaling mag-init ang ulo nito, taliwas sa ipinapakita nitong imahe sa publiko.

Clue: Ang mambabatas ay isa sa tumatakbo ngayong darating na halalan. Kung siya ay senador o congressman, hulaan n’yo sa letrang ‘E’ sa kanyang pangalan as in Ewan kung mananalo pa.