Abante Tonite Interactive

Solon eksperto sa mga selfie

227

Sino daw itong mambabatas ang eksperto sa selfie at laging nagbibigay ng tip sa mga kaibigan kung anong magandang anggulo?

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na dalawang magkaibigan ang lumapit sa mambabatas para sana magpakuha ng litrato sa cellphone.

Nang pumorma ang dalawang magkaibigan sa tabi ng mambabatas, aba’y hindi raw nakuntento ang lawmaker at ibinaling sa ibang anggulo.

Matapos silang makunan, hindi muna pinakawalan ng mambabatas ang magkaibigan dahil sa nilektyuran pa niya ang mga ito kung ano ang mga magagandang anggulo sa selfie.