Abante Tonite Interactive

Solon ginamit ang cabinet member sa pangongotong

0 252

Ibang klase rin kung rumaket itong isang mambabatas dahil pati na ang isang miyembro ng gabinete ay kinasangkapan sa kanyang pa­ngongotong.

Nasagap ng Tonite na ginawang tulay daw ng mambabatas ang ca­binet member para makahirit ng pondo sa mga bigating contractor.

Walang kaalam-alam ang cabinet member na ang pinapadala niyang liham sa contractor mula sa mambabatas ay naglalaman ng mga hirit sa kuwarta.

Huli na daw nalaman ng cabinet member na ginagamit na pala siya sa pangdedelihensiya matapos magsumbong ang contractor.

Hindi naman daw makapagreklamo ang cabinet member sa takot na buweltahan naman siya ng mambabatas.

Clue: Ang mambabatas na ginamit ang cabinet member sa pangdedelihensiya ay tumakbo nitong nagdaang hala­lan. May letrang L sa kanyang pangalan, as in Letra.