Abante Tonite Interactive

Solon hilig mag-recycle ng panukala

247

Kilalang maka-kalikasan ang isang mambabatas kaya imbes na itapon, nire-recycle pa niya ang mga basura.

Pero ang hilig niyang ito ay dinala rin sa kanyang trabaho dahil sa ginagawang pagrecycle ng mga panukalang batas at resolusyon.

Yung mga bills at resolution na hindi pumasa noong 17th Congress, muling isasampa ng mambabatas para masabing marami na siyang ginagawa.

Ang masaklap nito, hindi naman lahat ng kanyang ire-recycle ay may pag-asang makapasa dahil baka maipit din ito tulad ng nangyari ng nakaraang Kongreso.

Clue. Ang mambabatas na mahilig mag-recycle ng mga panukalang batas ay kilalang probinsiyano at may letrang L sa kanyang pangalan.