Abante Tonite Interactive

Solon hilig magpadugo ng ilong

By
261

Sino raw itong mi­yembro ng Lower House ang hilig pumormang makamasa subalit parang balikbayan sa Amerika kung bumoka?

Sa natisod na info ng Tonite, imbes daw ka­sing magsalita ng Tagalog, aba’y rumaratsada ng Ingles itong si congressman kapag ito’y iyong kinausap.

Kahit na raw nasa labas ito ng Kamara, bubugahan ka niya ng mga salitang Ingles kahit na magtataho lang ang kausap, aba’y nosebleed tuloy ang pobreng naglalako ng pagkain sa pag-unawa sa sinasabi ng mambabatas.

Abante Hiring – IT dep

Magaling naman daw magsalita ng Tagalog ang kumag, pero parang nakasanayan na nitong mag-English sa kausap o kahit sa mga text message.
Clue: Ang congressman na madalas magpa-nosebleed ng kausap ay minsang nagpapatubo rin ng bi­gote. May letrang E sa kanyang pangalan as in ­Eewww.