Abante Tonite Interactive

Solon hilig magpagawa ng elevator sa kalsada

237

May ipinapagawa na namang elevator sa kalsada itong bigating mambabatas.

Idinidikit ang elevator sa footbridge upang makatawid din ang mga taong may kapansanan.

Ang masaklap nito, nagiging palamuti lang sa footbridge ang elevator dahil sa hindi naman ito operational.

Isinasama lang kuno ang elevator sa proyekto para mapalaki ang gastos at ang komisyon siyempre ng mambabatas.

Ilang elevator na ang pinagawa ng mambabatas sa mga ipinatayong footbridge. Lahat ng ito, hindi nagagamit ng mga tumatawid.

Hindi malayong masita ng Commission on Audit ang mambabatas dahil malinaw na pag-aaksaya lang ito ng pera ng taxpayer.

Clue: Ang mambabatas na hilig magpagawa ng elevator sa kalsada ay maganang kumain at may letrang T sa kanyang pangalan.