Abante Tonite Interactive

Solon hilig magpalibre

355

Hindi pa rin daw nagbabago ng ugali ang isang mambabatas pagdating sa gastusan.

Kung dati ay naghahanap ito ng sponsor sa mga biyahe, ganito pa rin ang kalakaran ngayong isa na siyang mambabatas.

Wala pa kasing nakukuhang malaking kickback sa proyekto kaya welcome pa rin sa kanya ang mga baka o yaong magpapasan ng gastos niya sa biyahe.

Kaya noong magkaroon ng biyahe ang grupo ng mambabatas na sagot ng gobyerno ang gastos, aba’y hindi nagpahuli itong mambabatas at agad na nagpalista.

Clue. Ang mambabatas na mahilig magpalibre sa biyahe sa abroad ay palaging nagpapatawa kahit hindi kinakagat ng mga tao. May letrang B sa kanyang pangalan.