Abante Tonite Interactive

Solon hilig manghimas ng hita

0 473

Sino daw itong miyembro ng Lower House ang hilig manghimas ng hita?

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na kapag nakatabi mo ito, makikipagkuwentuhan muna ito at bandang huli ay hihimasin na ang iyong hita.

Ang classic nito, pawang hita ng mga lalaki ang hinihimas ng mambabatas.
Siyempre nga naman, kung hita ng babae ang kanyang hinimas ay baka masampal pa siya o makasuhan.

Nagdududa na tuloy ang iba kung bi itong si congressman as in tsikboy na puwede sa chicks at puwede sa boy.

Clue. Ang mambabatas na hilig manghimas ng hita ng lalaki ay may letrang A as in Astig.