Abante Tonite Interactive

Solon hilig sumingit sa media interview

401

HULAAN BLUES

Kung singitan lang pag-uusapan, numero uno na rito ang isang mambabatas na mahilig sumingit sa mga media interview sa Senado.

Kahit hindi naman kasi iniimbitahan ng media ang mambabatas na ito pero kusa na itong lumalapit sa kanila para naman maisama na rin siya kanilang nilulutong istorya.

Nitong nagdaang linggo, target ng media interbyuhin ang chair ng isang komite, matapos pangunahan ang isang pagdinig sa Senado. Nahatak na nga ang senador na ito at nakapuwesto na sa interview area pero nang maispatan ng mambabatas na ito ang colleague ay nag-atubili itong maglakad at sumama na rin sa media interview.

Ang sistema, mas marami pang nasabi ang senador na ito dahil panay ang singit nito sa tuwing tinatanong ng media ang kasama niyang senador na naunang nang hinatak ng mga reporter.

Nang mahalata ng senador, nagpaalam na ito sa media at iniwan na lamang ang kasama niyang sumingit sa media interview. Sino siya?

Clue. Noong kampanya, basta’t nakaa­moy na may iniinterview na kandidato ang mababatas na ito, pupuntahan niya at makikisabay na rin sa media interview. May letrang S ito kanyang apelyido, as in “singit” lang nang “si­ngit”.