Abante Tonite Interactive

Solon inabot ng 1 taon sa hearing

244

Tuwang-tuwa raw ang isang lokal na opisyal sa development ng isang lungsod partikular ang pagkakaroon ng mga hotel, casino at iba pang recreational area.

Ito ay dahil libang na libang daw pala si Mr. Official sa paglalaro sa casino kahit alam naman nito na ipinagbabawal ito sa kanilang hanay at katunayan ay mayroon nang naparusahan dahil sa paglalaro.

Ang kuwento sa atin ng ilang mga kasama, namamasyal daw sila sa isang hotel casino nang mamataan ang opisyal na nakaupo sa lamesa sa casino.

Patay malisya pa raw ang opisyal na kunwari ay hindi nito napansin ang ilang mamamahayag at dinedma lamang ang mga ito.

Dahil nahiya na rin ang mediamen, hindi na lamang din nila pinansin ang alkalde.

Clue: ‘Wag na nating hirapan ang pag-iisip ng clue dahil ang apelyido ng ating bida ay mayroong ‘C’ as in Casino.