Abante Tonite Interactive

Solon inabot ng 1 taon sa hearing

232

Mistula raw nag-throwback ang isang mambabatas sa pagdinig na kanyang pinamunuan sa isyung mahigit isang taon nang tinatalakay.

Naging paulit-ulit daw kasi ang litanya ng ating bida sa mga impormasyon na nauna na rin namang lumabas sa mga naunang pagdinig.

Hindi raw tuloy alam ng mga mamamahayag kung nais lamang ng mambabatas na ipaalala sa kanila ang mga impormasyon o umiiral na ang ­pagiging ulyanin ni Mr. Lawmaker dahil paulit-ulit na lamang ito.

Isa pa raw na nakapagtataka sa mambabatas na ito ay ang paiba-ibang pahayag sa mga detalye o ang biglaang kambyo sa mga impormasyon.

Wala raw itong pinagkaiba sa isa pang dating isyu na inimbestigahan din ng solon subalit sa bawat hearing ay inuulit-ulit nito ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa anomalya.

Clue: Ang ating bidang solon ay may letrang ‘R’ sa kanyang pangalan as in ‘Repeat nang Repeat.’