Abante Tonite Interactive

Solon iniwasan sa sore eyes

3,876

Matindi ang pag-iwas ng mga kasamahan sa plenaryo ng isang mambabatas sa kanya upang hindi mahawa sa kanyang sakit.

Sa bulong ng ating Amuyong, ilang mambabatas pa nga na napilitang kumamay sa ating bidang Solon ang biglang­ naghanap ng alcohol upang agad na mag-disinfect.

“Kinamayan mo ha, bahala ka pag nahawa ka,” giit daw ng nagmamalasakit na kaibigan sa isa pang mambabatas.

“Oo nga, may alcohol ka ba dyan? O kaya papunas na lang sa’yo,” sagot ng mambabatas.

Kwento pa ng Amuyong na ito, ang tunay na dahilan kaya’t hinayaan na mag-solo ang mambabatas sa isang committee hea­ring nito.

Aba, mahirap naman daw kasing mahawa sa sakit ng mambabatas at mag-absent sa mga huling araw ng sesyon ng Kongreso.
Sino ang ating bidang Solon na iniwasan ng mga kasamahan?

Well, ang kanyang pangalan ay may letrang R as in Red o pula kung ayaw nyo ng English.

Tonite – Wendys Inhouse Ad