Abante Tonite Interactive

Solon kabado sa US ban

1,054

Takot daw ngayong bumiyahe sa Estados Unidos ang isang miyembro ng Lower House.

Baka raw kasi siya mapahiya kapag pigilan ng US Immigration pagdating sa airport sa Amerika.

Suspetsa kasi niya, kasama siya sa ipina-ban ni ­Senador Leila de Lima sa US.

Hindi kasi sinabi ni De Lima kung sino-sino ang nilista niyang bawal tumapak sa lupain ni Uncle Sam.

Desisyon na raw ng US State Department kung iaanunsyo ang pangalan ng mga opisyal at mambabatas na ban sa kanilang bansa.

Clue: Ang mambabatas na kabado sa US ban ay mula sa malayong lalawigan at kilalang sipsip sa administrasyon.