Abante Tonite Interactive

Solon kapit-tuko sa opis

By
0 206

Sino itong mambabatas ang ayaw umalis ng kanyang opisina kahit tinanggal na siya sa hinahawakang puwesto?

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na kahit hinubaran ng puwesto ang mambabatas, aba’y hindi naman ito lumayas sa opisinang nakalaan para sa nasabing puwesto.

Ngayong ordinar­yong mambabatas na lang siya, dapat ay sa ordinaryong opis lang siya nakapuwesto, pero mistulang nadikitan yata ng epoxy ang kanyang puwet dahil hindi ito nag-alsa balutan bagkus ay nagkapit-tuko sa magarang opis.

Malaki kasi ang space ng magarang opis kaya’t type ng mambabatas na magbabad dito, kumpara sa ordinaryong kuwarto na masyadong masikip.

Yun nga lang, sa sobrang laki ng kuwarto ay parang kumakalog sila dito dahil marami nang sinibak na staff ang mambabatas simu­la nang matanggal sa dating puwesto.

Clue: Ang mambabatas na kapit-tuko sa opis ay kilalang tsikboy. Kung siya ay senador o congressman, hulaan niyo na lang dahil may letrang N ang kanyang pangalan as in Naisahan.