Abante Tonite Interactive

Solon kay Mayor Baldo: Sumuko ka na!

349

Pinayuhan ng isang kongresista si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na sumurender nang maayos sa mga awtoridad kapag lu­mabas na ang warrant of arrest laban dito.

Binigyan-diin ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na hindi dapat manlaban, gumawa ng gimik at umek­sena ang alkalde sa sandaling mag-isyu ang korte ng arrest warrant.

“Mayor Baldo should not resist arrest or stage any poli­tical gimmick like barrica­ding himself in his office to prevent the court and the police from exe­cuting the warrant of arrest. It is before the court where he must prove his innocence,” ani Salo na isa ring abogado.

Nauna ng tinukoy ng Philippine Natio­nal Police (PNP) si Baldo bilang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe noong Dis­yembre 22, ng nakalipas na taon sa Daraga.

Kasamang nagbuwis ng buhay ang police escort ni Batocabe na si SPO1 Orlando Diaz.

Katatapos lang mamahagi ng mga re­galo ni Batocabe sa mga kababayang may kapansanan at senior citizen nang mangyari ang pamamaslang.
Sina Batocabe at Baldo ay mahigpit na magkatunggali sa ma­yoralty race sa Daraga, Albay.