Abante Tonite Interactive

Solon kinutya sa ₱100 tip sa komedyante

598

Mukhang hindi na papasok muli ng comedy bar itong isang miyembro ng Lower House.

E paano ba naman kasi, kinutya raw ang mambabatas sa binigay nitong P100 para sa ni-request na kanta sa mga baklang stand up comedian.

Kahit idinaan sa biro, tagos daw sa buto ang mga binitawang pang-iinsulto ng mga komedyante sa binigay na tip ng mambabatas.

Nadagdagan pa ang banat nila sa mambabatas matapos magbigay ang ilang audience ng halagang P500 hanggang P1,000.

Hindi naman daw napikon ang mam­babatas pero hindi nagtagal ay umalis din ito sa bar.

Clue. Ang mambabatas na kinutya sa P100 tip sa kanta ay kilalang miyembro ng pamilyang kuripot. May letrang B sa kanyang apelyido as in Bato.