Abante Tonite Interactive

Solon kunsintidor sa staff na babaero

554

Sino raw itong mambabatas ang kinukunsinte ang ginagawang pangangaliwa ng kanyang staff?

Ito kasing staff na kamukha ni Chiquito, naka­bingwit ng mestisa na kahit walangdyo ay bagyo pa rin ang sex appeal.

Ang ginawa ni Chiquito-look alike, aba’y iniwan ang asawa at tinira ang mestisa eheste ibinahay ang mestisa sa condo.

Hindi nakatiis si misis, at kinalampag si mukhang Chiquito sa social media pa man din.Giit ni misis, mag-file daw ng annulment itong kanyang mister para naman maging ligal na ang paghihiwalay nila.

Sa kabila ng kaguluhang ito, wala namang ginagawa ang mambabatas bagkus ay parang kinukunsinte pa niya ang staff niyang babaero.

Mala­ki din kasi ang na­ging pakinabang ng mam­babatas sa mukhang Chi­quito niyang staff kaya’t hindi niya ito masa­way sa pambababae nito.

Clue. Ang mambabatas na kunsintidor sa staff na babaero ay may letrang A sa pangalan, habang si mukhang Chiquito naman ay may letrang R sa pangalan.