Abante Tonite Interactive

Solon mahilig sa chipipay na bar

0 334

Kahit nakatira sa isang exclusive village, mahilig pa ring tumambay ang isang miyembro ng Lower House sa mga mumurahing bar.

Siyempre nga naman, mas malaki ang natitipid ng mambabatas sa pagtambay sa mga cheap na bar kaysa sa mga kilalang bar sa Makati o BGC.

Hindi lang daw ang mambabatas ang tumatambay sa mumurahing bar dahil pati na ang kanyang mga kaibigan ay binibitbit niya rin dito.

Nakatipid na nga sa gastos, tipid din sa tip ang mambabatas aba’y wala pa yata sa P200 ang iniwan nito sa waiter.

Hindi nakapagtataka na hindi nababawasan ang yaman ng mambabatas mula sa kinita nito sa da­ting puwesto sa gobyerno.

Clue. Ang mambabatas na mahilig sa cheap na bar ay aktibo sa social media. May letrang R sa kanyang pangalan, as in Raket.