Abante Tonite Interactive

Solon matigas ang dila

675

Nakakaawa naman ang isang mambabatas na ito dahil hindi niya alam na kapag siya’y nakatalikod, pasimple siyang pinagtatawanan ng ilang kapwa niya mambabatas.

Ayon kay Mang Teban, tuwing nakikipag-debate o nagsasagawa ng privilege speech ang senador na ito, may pagkakataong mali-mali ang pagbigkas nito sa ilang mga salita, mapa-English man ito o Tagalog.

Matigas daw kasi ang dila ng lawmaker kaya hindi maiwasang iba ang pagkakabigas nito sa ilang mga salitang kanyang binibitawan.

Kaya ang ilang mga tao sa gallery ay napapangiti o natatawa na lang sa tuwing nakakarinig sila ng sablay na salita mula sa mambabatas na ito.

Hindi lang ang mga tao sa gallery ang natatawa kundi ilang mambabatas din ang napapailing na lamang sa sinasambit ng lawmaker na ito.

Isa na rito ang babaeng mambabatas na napapangiwi na lang ang mukha na para bang ikinakahiya ang mambabatas dahil sa mali niyang pagbikas ng mga salita. Sino siya?

Clue: Ang mambabatas na matigas ang dila ay popular habang ang co-lawmaker niya na napapailing sa mali niyang panana­lita ay may letrang O sa kanyang apelyido.