Abante Tonite Interactive

Solon may 2 staff na manggagaya

245

Kung ano ang suot na sapatos ng isang mambabatas, yun din daw ang brand ng sapatos na suot ng kanyang dalawang alalay.

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na hilig ng mambabatas na magsuot ng mamahaling signature shoes.

Sinusuot ito ng mambabatas sa tuwing may ses-yon at kapag mayroon siyang mga dinadaluhang pagtitipon.

Pero alam nyo bang pati na ang dalawang staff ng mambabatas, parehong brand ang suot kapag kasama ng kanyang amo.

Mas mayabang pa raw ang dalawang amuyong ng mambabatas sa pagdidisplay ng kanilang sapatos, eh halatang hindi naman sila ang gumastos sa pagbili nito kundi ang kanilang amo.

Clue: Ang mambabatas na laging ginagaya ng da-lawang staff ang suot na sapatos ay may asawang sosyalera. May letrang M sa kanyang pa-ngalan as in Mapera.