Abante Tonite Interactive

Solon may hugot sa kasalang Matteo-Sarah

1,467

Ramdam daw ng isang mambabatas ang pinagdaanan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo bago naikasal sa civil ceremony.

Nangyari rin daw ito sa mambabatas dahil tutol din ang kanyang ina sa pagpapakasal nito sa babaeng napangasawa niya.

Nagbigay pa ng tip ang mambabatas sa mag-asawang celebrity kung paano mapapahaba ang kanilang pagsasama.

Ang classic nito, malayong-malayo naman ang sitwasyon ng mambabatas sa pinagdaanan ng celebrity couple.

Hindi naman kasi mayaman ang mambabatas noong panahon na nagpakasal ito. Kilalang babaero rin ang mambabatas at sinasabing tinuhog ang mga malalandi sa showbiz industry.

Clue: Ang mambabatas na umepal sa kasalang Matteo-Sa­rah ay mayaman na ngayon pero hirap pa rin magsalita ng English.

Tonite – Wendys Inhouse Ad