Abante Tonite Interactive

Solon may tagabulong sa debate

610

Hirap daw sa debate ang isang mambabatas lalo na kung abogado ang kanyang kaharap.

Kaya kasi siyang dikdikin nito lalo na kung tungkol sa batas ang pinag-uusapan.

Nakaisip tuloy ng paraan ang mambabatas na bitbitin sa session hall ang staff nitong abogado.

Binubulong daw ng staff na abogado ang isasagot ng mambabatas sa kadebate.

Nakapuwesto ang mambabatas sa gilid ng session hall para marinig ang bulong ng kanyang staff.

Hindi raw pumupuwesto sa gitna ng session hall ang mambabatas dahil hindi niya maririnig ang bulong ng kanyang staff.

Clue: Ang mambabatas na may tagabulong sa debate ay rich at may letrang M sa kanyang pangalan as in mayaman.