Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solon na kumita sa DPWH pwede kalkalin ng DOJ

0 97

Maaring imbestigahan ng executive branch ang sinumang miyembro ng Kongreso katulad ng ginawa ng Department of Justice sa kaso ni Senadora Leila de Lima tatlong taon na ang nakakaraan.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson matapos ihayag ni Pangulo ng Rodrigo Duterte na wala siyang kapangyarihan na siyasatin o ibunyag ang mga pangalan ng kongresista isinasangkot ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa iregularidad sa Department of Works and Highways.

“Si Senator De Lima, DOJ din, executive ang nag-prosecute, ‘di ba? Kaya nga siya nakakulong kasi ang nag-initiate ng investigation DOJ din at that time,” pahayag ni Lacson sa panayam sa radyo.

Naniniwala si Lacson ma maaring gumawa ng inisyal na imbestigasyon at mgangalap ng imbestigasyon ang DOJ laban sa ilang tiwaling mambabatas.

“Anong kaibahan kung iimbestigahan din ang mga congressmen? Dahil ang naiintindihan ko ang batas patas naman ‘yan eh,” ani Lacson. “Kung makakita sila ng probable cause, puwede nila itong ipasa sa Ombudsman para mas madali na ang trabaho ng Ombudsman.”

Nauna nang sinabi ni Duterte na ibibigay niya ang listahan ng mga kongresistang sangkot a katiwalian sa Office of the Ombudsman. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.