Abante Tonite Interactive

Solon na markado ni Digong, nabigyan pa ng puwesto

501

Sino daw itong mambabatas ang nabigyan ng committee chairmanship kahit markado na kay Pangulong Rodrigo Duterte?

Marami daw nga ang nabigla nang ibigay sa mambabatas ang pamumuno ng maimpluwensiyang komite gayung bad shot siya sa Pangulo.

Aba’y daig pa niya ang tumama sa jackpot ng lotto dahil kahit binira na siya ng Chief Executive, nabigyan pa siya ng magandang puwesto sa kapulungan na kanyang kinabibila­ngan.

Ano naman kaya ang pinasinghot este pinakain ng mambabatas sa kanyang mga boss at binigyan siya ng magandang puwesto?

Clue. Ang mambabatas na nabigyan ng magandang puwesto kahit markado kay Duterte ay marunong magsalita ng bisaya at may letrang S sa kanyang apelyido as in singhot.