Abante Tonite Interactive

Solon nabasted naglasing

575

Matapos mabasted sa inaambisyong puwesto sa Kamara, naglasing na lamang daw ang isang mambabatas sa 5-star hotel.

Hard daw ang binanatan ng mambabatas para madaling tamaan at pansamantalang kalimutan ang kabiguan sa kanyang inaambisyong puwesto.

Mukhang alam na raw ng mambabatas na hindi siya pagbibigyan sa kahilingan kaya casual attire lang ang porma nito sa hotel as in inihanda na niya ang sarili sa inuman.

Nagbanlaw pa raw ito sa kanyang hideout kung saan nakaparada ang iba’t ibang klase ng mamahaling alak.

Clue. Ang mambabatas na naglasing matapos mabasted sa inaambisyong puwesto ay kilalang madaldal at may letrang A sa kanyang pangalan as in Alam na!