Abante Tonite Interactive

Solon nabiktima ng fake news

506

Sino raw itong miyembro ng Lower House ang nagpadala ng regalo sa kaibigan matapos mabiktima ng fake news?

Kumalat kasi ang balitang birthday ng kaibigan at nakarating ito sa party-list congressman.

Inakala ng mambabatas na totoo ang balita kaya nagpadala ito ng regalo sa kanyang kaibigan.

Laking gulat tuloy ng kaibigan nang makarating sa kanya ang regalo ng mambabatas.

Agad daw tumawag itong kaibigan at sinabi sa mambabatas na hindi totoong kaarawan niya.

Hindi na raw binawi ng mambabatas ang regalo at nagbiro na lang na in-advance na lang niya ang birthday gift nito.

Clue. Ang mambabatas na nabiktima ng maling balita tungkol sa birthday celebrant ay may letrang A sa kanyang pa­ngalan.