Abante Tonite Interactive

Solon naduwag sa job offer

HULAAN BLUES

180

Kilalang matapang itong isang mambabatas dahil kahit harangan ng bala ay sumusugod siya.

Kaya naman, maraming tsiks ang bilib sa ­katapangan ng mambabatas.

Pero nang alukin daw ng ibang trabaho ang mambabatas, aba’y nagmistula itong aso na nabahag ang buntot.

Hindi raw kasi gamay ng mambabatas ang bagong trabahong ibinibigay sa kanya.

Kung ano-anong alibi pa raw ang ginawa ng mambabatas para lamang maiwasan ang job ­offer.

Sa huli ay nagwagi ang kanyang kaduwagan dahil sa binawi daw ang job offer sa mambabatas.

Clue: Ang mam­babatas na naduwag sa job offer ay minsan may balbas at minsan ay wala. Kung siya ay senador o congressman, hulaan nyo sa letter G sa kanyang pangalan as in Garand.