Abante Tonite Interactive

Solon nag-1-2-3 sa ka-deal

301

Sino daw itong miyembro ng Lower House ang nagpapatay ng istorya sa halagang P30,000?

Base sa natisod na info ng Tonite, inutusan daw ni congressman ang kanyang PR para huwag ilabas ang kontrobersyal na isyu.

Nangako daw si congressman ng halagang P30,000 para lang huwag lumabas ang isyu.

Ginawa naman daw ni PR man ang trabaho at hindi lumabas ang isyu pero nang sisingilin na niya si congressman ay ayaw naman nitong magbayad.

Isinumpa ng PR man si congressman dahil nagkaroon pa ito ng utang sa kanyang mga kontak bunga ng pag-1-2-3 ng mambabatas.

Clue. Kilalang palaaway ang mambabatas at may letrang S sa kanyang apelyido as in Sangganong Swindler.