Abante Tonite Interactive

Solon nag-hunger strike

377

Sino daw itong mam-babatas ang nagpa-kagutom para lamang iprotesta ang ginawang pang-aaway sa kanya ng kasamahan sa trabaho?

Masyado daw kasing dinamdam ng mambabatas ang ginawang pang-ookray sa kanya kaya’t mistulang nagsagawa ito ng hunger strike.

Kilalang magkaibi-gan kasi ang dalawang lalaking mambabatas kaya’t nang awayin ng babae-rong mam-babatas ang kasamahan na mahilig sa tsibog ay labis itong dinamdam ng huli.

May ilang araw din na hindi kumain ang mambabatas sa executive lounge kaya’t marami ang nagtataka kung bakit nagpapakagutom ang mambabatas.

Nakunsensiya naman ang babaerong mambabatas at nakipagbati sa kaibigan.

Ilang minuto ang lumipas, umorder ng maraming pagkain sa lounge ang nag-hunger strike na mambabatas.

Clue. Ang mambabatas na nag-hunger strike ay kilalang bigatin at may letrang D sa kanyang pangalan as in tortang Dulong.