Abante Tonite Interactive

Solon nag-out na sa kanyang tipo

460

Dati, pakiyeme pa itong isang mambabatas kung type niya ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagmatigas pa daw itong mambabatas na ‘independent’ siya kaya’t hindi dapat siya ikahon bilang kaalyado ng administrasyon.

Nagtaray pa nga daw itong mambabatas nang bansagan siyang kaalyado ng Pangulo, kulang na lang ay sabunutan ang babaeng nagsabi sa kanya nito.

Pero ang classic nito, ayon sa impormasyon ng Tonite, mukhang tuluyan nang bumigay ang mambabatas matapos na samahan sa lakad ang Chief Exe­cutive.

Clue: Ang mambabatas na nag-out na sa kanyang kursunadang lider ay kilalang madaldal na parang inahing manok at may letrang D sa kanyang pangalan as in Dikya.