Abante Tonite Interactive

Solon nag-selfie sa kudeta sa Kamara

By
419

Sino itong baguhang kongresista na tila walang pakialam sa mga eksena na nangyayari sa Kamara?

Napag-alaman ng Tonite na habang nagkakagulo kasi sa pagpapalit ng liderato ay tila enjoy-enjoy pa sa kaganapan ang naturang neophyte solon.

Kitang-kita kasi kung paano ito nag-selfie at nag-posing sa plenaryo habang nagtatalo ang kanyang mga kasamahan, animo’y nasa set siya ng isang pelikula o teleserye.

Ginawa nitong background sa kanyang pictorial ang eksena ng bangayan ng mga kapwa kongresista, aba’y nahawa yata ito sa ginawa ng Gilas Pilipinas na matapos makipagsuntukan sa koponan ng Australia, ay nagpa-picture sa court.

Clue: Simple at tahimik lang ang guwaping na solon na habulin ng mga ba­ding at matrona at may S sa kanyang pa­ngalan.